Mula sa pagiging yapak at madungis na mga paa,
natuto akong hugasan ang maputik na talampakan ng tubig mula sa naipong
luha, luhang sanhi ng mga pasa, pasang bunga ng mga pukol na hindi
mawari kung saan nagmumula.
Pitong araw…
labindalawang buwan. Nagsilbing kasaysayan na ang mga nakaraang
kabanata, madaming naging sugat, madaming dumanak na dugo, maraming
naging katanungan subalit iilan lamang ang nabigyan ng kasagutan.
Nadapa,
nasugatan, nasaktan at lumuha… nakaranas ng sari-saring pighati,
nakaramdam ng ilang mga pagsubok sa pakikipagsapalaran. Pagsubok na
nagsisilbing guro upang maging matatag sa bawat panibagong hamon at
panibagong laban.
Inspirasyon, kaibigan at
pamilya. sila ang mga nakikitang dahilan kung bakit hanggang ngayon,
patuloy ang paglalakbay sa isang makamundong lupa. Pasasalamat, dahil sa
bawat pagkadarapa, sila ang kumukuha sa magabokna palad upang muling
bumangon at pumupunas sa animo ay putik na luhang dumadaloy sa mukha.
Pagtataka...
sapagkat hanggang ngayon, hindi parin mawari kung paano nagsimula ang
isang istorya. Ilang kabanata na ang nakalipas, subait hindi pa rin
lubos na maunawaan na kahit na ako na siyang bida sa entablaong aking
ginagampanan, hindi parin maiwasan ang pagmumuni-muni kung ano ang
magiging wakas, maging ang pamagat ng nobelang hindi pa nasusulat.
Maraming
sangang landas, hindi na rin mabilang ang tila walang katapusang
hakbang. Wala pa ring siguradong kasagutan kung hanggang saan matatapos
ang sinimulang paglalakbay. Subalit, hangga't kaya ng sapatos na ito na
protektahan ang aking talampakan sa mga tinik na naghihintay ng mg laman
upang mahugasan sila ng dugo....
...
...
...
...
...
Hindi ako titigil sa paglalakbay.
Revised as Published from:
The GEARS
The Official Student Publication of Laguna State Polytechnic University
Main Campus
Page 12, Volume 49 Issue 1, June - November 2009
No comments:
Post a Comment