Friday, September 28, 2012

Page 13

Mula ng matutunang basahin ang mga letra ng kwentong ginagampanan
Ganun katagal na rin ang aking paghahanap
Sa mga bagay na hindi nawawala
Ngunit hindi naman kayang bigyan ng kahulugan
Mga tanong na hindi mahanapan ng kasagutan
Mga pagtatakang hanggang sa ngayon
Hindi pa rin malinawan

Sapol nang mamulat,
Hindi na magkandahapay ang paling
Sa mga bagay na madalas makita
Ngunit hindi pa rin matanto
Kung ano takaga ang layunin
Bilang parte ng isang buhya

Halos nabuklat ko na ang lahat ng pahina
Nabasa ko na rin ang lahat ng talata
Maliban sa ika-13 paginang nawawala
Naroon kaya ang hinanahanap ko?

New Chapter

Hindi na magiging mabilis ang pagganap sa kwentong sinimulan
Sa paghahanap, pagtatanong, at paglalakad
Maraming magiging katunggali
Higit pa sa mga makikiramay sa bawat kasiyahan
Higit pa sa mga makikidalamhati sa bawat tagumpay
Maraming susubok sa tatag bilang pangunahing tauhan na gumaganap
Sa isang pagtatanghal sa likod ng madungis at tagpi-tagping tabing
Kung saan isang entablado ang lubog sa dugo
Buhat sa isang sugat na hindi naghihilom
Ito ang isang kabanata sa isang istorya ng pakikipagsapalaran sa isang tao
Kung saan sariling ang kalaban
Isang kwento ng pagtakas
Mula sa piitang sariling bisig ang nagsisilbing paka.

Nasaan ako?

Maraming tao
Isang bahagi ng lugar sa pagitan
ng lungkot at kaligayahan
Hindi mo makikilala sapagkat iisa
ang aming mga emosyon
Iisa ang aming mga nararamdaman
Natatakpan kami ng iisang mukha
na naghahanap ng sagot sa mga tanong
Ang aming mga puso ay balot ng pag-asa
na darating ang panahon na mahahanap
ang landas patungong kaligtasan
Ang aming mga mata'y uhaw sa liwanag
Sapagkat napapalibutan kami ng maitim na usok
na hindi mawari kung saan nagmula
Lubog na rin ang aming mga talampakan sa dugo
Bunga ng mga sugat mula
sa kasaysayang pilit tinatakasan
Asan na nga ba ako?
Bakit hindi ko makita ang landas pabalik sa katotohanan?

Till Death o Forever?

Huwag mo akong tatanungin
Kung gaano kita kamahal
Dahil tanging isasagot sa iyo
Higit pa sa aking buhay.

Huwag mo ring itatanong
Kung hanggang kailan tayo magtatagal
Tanging itutugon sa iyo
Hanggang may takipsilim
Hangga't sumisikat ang araw.

At huwag mo na ring itatanong
Kung hanggang kailan ako sayoy magmamahal
Sapagkat hindi ko alam kung ano ang mas matagal
Sa salitang
"MAGPAKAILANMAN" o
"HANGGANG SA KABILANG BUHAY..."

Sisa

Sumayaw ka,
Huwag mahiyang gumalaw.
Sabayan ang tugtog,
Sabayan ang awit ng buhay.

Lumuha kung ma saya,
Matuwa sa gitna ng problema.

Sa sasabihin ng iba 'wag mabahala,
Di naman nila ipagkakalat
Na sa gitna ng iyong problema
Nakukuha mo pang tumawa.

Dahil tanging ako lamang
Ang nakaka-alam na
Sa gitna ng iyong mga indak
Ikaw ang makabagong SISA!

Monday, August 11, 2008

mUsiKa

Kakaibang musika
Hatid ng mga musikero sa kalsada.
Bokalista sa sarili nilang banda
Gitarista, trumpista…
Kahit walang instrumentong dala.

Tataas… bababa…
Tono ng bawat kanta.
Kahit masakit na sa pandinig ng masa,
Patuloy pa rin sila sa pagkanta.

Sila ang mga artistang, hindi pinapalakpakan.
Mang-aawit na nakakasawang pakinggan.
Sila ang mga sasakyang nagkalat sa lansangan…
Ingay na hatid ng busina…
Ito ang awit na nakaka-irita!
Masakit sa tenga… hindi ba?

Si AkO at Si IkAw...

Ako ang piloto
Sa sarili kong eroplano.
Gawa man sa papel
Matayog naman ang lipad nito.
Papadala sa ihip ng hangin
Hanggang maikot ang mundo.
Maglalakbay sa anumang sulok
Kahit bilog ito.

Ikaw ang bida
Ng sarili mong palabas.
Sa kuwentong sinimulan
Ngunit di alam ang wakas.
Dula na ikaw ang bida
At wala ng iba.
Hanap ay nawawalang pag-ibigMula sa pusong taglay ng isang prinsesa